44 Sa pag-aakalang kasama siya ng iba pang mga kasamahan, maghapon silang nakipaglakbay at noon nila hinanap ang bata sa mga kamag-anakan nila’t mga kakilala. 45 Nang hindi nila siya matagpuan, bumalik sila sa Jerusalem sa pag-hahanap sa kanya. 46 At sa ikatlong araw, natagpuan nila siya sa Templo, nakaupong kasama ng mga guro at nakikinig at nagtatanong sa kanila. 47 At namangha sa kanyang talino at mga sagot ang mga nakarinig sa kanya.
48 Nagulat ang kanyang mga magulang pagkakita sa kanya, at sinabi sa kanya ng kanyang ina: “Anak, bakit mo naman ito ginawa sa amin? Nagdusa nga ang iyong ama at ako habang hinahanap ka namin.” 49 Ngunit sinabi niya sa kanila: “At bakit ninyo ako hinahanap? Hindi ba ninyo alam na dapat ay nasa bahay ako ng aking Ama?” 50 Pero hindi nila naintindihan ang sinabi niya sa kanila. 51 Kaya bumaba siyang kasama nila pa-Nazaret, at patuloy siya sa pagiging masunurin sa kanila. Iningatan naman ng kanyang ina ang lahat ng ito sa kanyang puso.
• 52 At
umunlad si Jesus sa karunungan at edad at kagandahang-loob sa paningin ng Diyos
at ng mga tao.
No comments:
Post a Comment