Friday, December 17, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Linggo Disyembre 19 Ikaapat na Linggo ng Adbiyento: Lucas 1:39-45


Mabuting Balita: Lucas 1:39-45

39 Nang mga araw ring iyo’y nag­mamadaling naglakbay si Maria pa­punta sa isang bayan sa mataas na lupain ng Juda. 40 Pumasok siya roon sa bahay ni Zacarias at binati si Eli­zabeth. 41 Nang marinig ni Elizabeth ang bati ni Maria, sumikad ang sanggol sa si­na­pupunan niya, at napuspos ng Espiritu Santo si Elizabeth 42 at mala­kas siyang sumigaw at sinabi: “Lubos kang pi­nagpala sa mga kababaihan. 

Pinag­pala rin ang bunga ng iyong sina­pu­punan! 43 Sino nga ba naman ako’t na­parito sa akin ang ina ng aking Pa­ngi­noon? 44 Nang umabot sa aking pan­dinig ang iyong pagbati, sumikad sa tuwa ang sanggol sa aking sina­pu­punan. 45 Pinagpapala ang naniniwa­lang magaganap ang mga sinabi sa kanya ng Pa­nginoon.”

No comments: