36 May isa
ring babaeng propeta, si Ana na anak ni Panuel na mula sa tribu ng Aser.
Matandang-matanda na siya. Pagkaalis sa bahay ng kanyang ama, pitong taon
lamang silang nagsama ng kanyang asawa, 37 at nagbuhay-biyuda na siya at hindi
siya umaalis sa Templo.
Araw-gabi siyang sumasamba sa Diyos sa pag-aayuno at pananalangin. Walumpu’t apat na taon na siya. 38 Sa pag-akyat niya sa sandaling iyon, nagpuri rin siya sa Diyos at nagpahayag tungkol sa bata sa lahat ng naghihintay sa katubusan ng Jerusalem.
39 Nang
matupad na ang lahat ng ayon sa Batas ng Panginoon, umuwi sila sa kanilang
bayan, sa Nazaret sa Galilea. 40 Lumalaki at lumalakas ang bata; napuspos siya
ng karunungan at sumasakanya ang kagandahang-loob ng Diyos.
No comments:
Post a Comment