Wednesday, December 29, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Huwebes Disyembre 30 Ikaanim na Araw sa Pagdiriwang ng Pasko: Lucas 2:36-40


Mabuting Balita: Lucas 2:36-40
36 May isa ring babaeng propeta, si Ana na anak ni Panuel na mula sa tribu ng Aser. Matandang-matanda na siya. Pag­kaalis sa bahay ng kanyang ama, pitong taon lamang silang nagsama ng kanyang asawa, 37 at nagbuhay-biyuda na siya at hindi siya umaalis sa Templo.

Araw-gabi siyang sumasamba sa Diyos sa pag-aayuno at pana­nalangin. Wa­lum­pu’t apat na taon na siya. 38 Sa pag-akyat niya sa sandaling iyon, nagpuri rin siya sa Diyos at nag­pa­hayag tungkol sa bata sa lahat ng naghihintay sa katubusan ng Jeru­salem.  

39 Nang matupad na ang lahat ng ayon sa Batas ng Panginoon, umuwi sila sa kanilang bayan, sa Nazaret sa Galilea. 40 Lumalaki at lumalakas ang bata; napus­pos siya ng karunungan at sumasakanya ang kagandahang-loob ng Diyos.

No comments: