39 Nang mga
araw ring iyo’y nagmamadaling naglakbay si Maria papunta sa isang bayan sa
mataas na lupain ng Juda. 40 Pumasok siya roon sa bahay ni Zacarias at binati
si Elizabeth. 41 Nang marinig ni Elizabeth ang bati ni Maria, sumikad ang
sanggol sa sinapupunan niya, at napuspos ng Espiritu Santo si Elizabeth 42 at
malakas siyang sumigaw at sinabi: “Lubos kang pinagpala sa mga kababaihan.
Pinagpala
rin ang bunga ng iyong sinapupunan! 43 Sino nga ba naman ako’t naparito sa
akin ang ina ng aking Panginoon? 44 Nang umabot sa aking pandinig ang iyong
pagbati, sumikad sa tuwa ang sanggol sa aking sinapupunan. 45 Pinagpapala ang
naniniwalang magaganap ang mga sinabi sa kanya ng Panginoon.”
No comments:
Post a Comment