14 Bumangon si Jose, at nang gabi ring iyo’y dinala ang sanggol at ang ina nito pa-Ehipto. 15 Doon sila nanirahan hanggang mamatay si Herodes. Sa ganito natupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng Propeta: “Tinawag ko ang aking anak mula sa Ehipto.”
16 Nagalit naman si Herodes nang malaman nito na napaglalangan siya ng mga pantas. Kaya iniutos niyang patayin ang lahat ng batang lalaki sa Betlehem at mga karatig nito, mga batang may dalawang taong gulang pababa, batay sa panahon ng pagsikat ng tala ayon sa mga pantas.
17 Kaya
nagkatotoo ang sinabi ni Propeta Jeremias: 18 “Narinig sa Rama ang
pagtangis, iyakan at malakas na panaghuyan: iniiyakan ni Raquel ang kanyang
mga anak at ayaw paaliw pagkat wala na sila.”
No comments:
Post a Comment