Monday, December 27, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Disyembre 28 Martes, mga Banal na Sanggol na walang kamalayan, mga martir (Kapistahan): Mateo 2:13-18


Mabuting Balita: Matthew 2:13-18
13 Pagkaalis ng mga pantas, napa­kita kay Jose ang Anghel ng Panginoon sa panaginip at sinabi: “Buma­ngon ka, dal­hin ang sanggol at ang kanyang ina at tumakas pa-Ehipto. Manatili ka roon hang­gang sa tawagin ko kayo. Hahanapin nga ni Herodes ang sanggol para pata­yin.”  

14 Bumangon si Jose, at nang gabi ring iyo’y dinala ang sanggol at ang ina nito pa-Ehipto. 15 Doon sila nanirahan hang­gang mamatay si Herodes. Sa ga­nito natupad ang sinabi ng Panginoon sa pama­magitan ng Propeta: “Tina­wag ko ang aking anak mula sa Ehipto.” 

16 Nagalit naman si Herodes nang ma­laman nito na napaglalangan siya ng mga pantas. Kaya iniutos niyang patayin ang lahat ng batang lalaki sa Betlehem at mga karatig nito, mga batang may dalawang taong gulang pababa, batay sa pa­nahon ng pagsikat ng tala ayon sa mga pantas. 

17 Kaya nagkatotoo ang sinabi ni Pro­pe­ta Jeremias: 18 “Narinig sa Rama ang pag­tangis, iyakan at malakas na panag­huyan: iniiyakan ni Raquel ang kanyang mga anak at ayaw paaliw pagkat wala na sila.”

No comments: