pagkatapos ng
Araw ng Pahinga, habang madilim pa, 2 patakbo siyang pumunta kay Simon Pedro at
sa isa pang alagad na mahal ni Jesus. Sinabi niya sa kanila: “May kumuha sa
Panginoon mula sa libingan, at hindi namin alam kung saan nila siya inilagay.”
3 Kaya lumabas si Pedro at ang isa pang alagad, at pumunta sa libingan. 4 Sabay na tumakbo ang dalawa. Ngunit mas mabilis tumakbo kay Pedro ang isa pang alagad, at unang nakarating sa libingan. 5 Pagkayuko niya’y nakita niyang nakalatag ang mga telang linen pero hindi siya pumasok.
6 Dumating
namang kasunod niya si Simon Pedro, at pumasok sa libingan. Napansin niya ang
mga telang linen na nakalatag, 7 at ang panyo namang nakatalukbong sa ulo niya
ay di kasama sa mga telang linen na nakalatag kundi hiwalay na nakabilot sa mismong
lugar nito. 8 Pumasok noon ang isa pang alagad, ang unang nakarating sa libingan,
at nakita niya at siya’y naniwala.
No comments:
Post a Comment