Thursday, December 23, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Disyembre 24 Biyernes sa Ikaapat na Linggo ng Adbiyento: Lucas 1:67-79


Mabuting Balita: Lucas 1:67-79
67 Napuspos ng Espiritu Santo ang ama niyang si Zacarias at nagpro­pesiya nang ganito:  68 “Purihin ang Panginoon, ang Diyos ng Israel, dahil nilingap niya at tinubos ang kanyang bayan. 69 Mula sa sambahayan ni David na kanyang lingkod, ibinangon niya ang magliligtas sa atin, 70  ayon sa ipinangako niya noong una sa pamamagitan ng mga banal niyang propeta: 71 kaligtasan mula sa ating mga kaaway at sa kamay ng mga namumuhi sa atin.  

72 Nagpakita siya ng awa sa ating mga ninuno at inalaala ang banal niyang tipan, 73 ang pangakong sinumpaan niya sa ating amang si Abraham 74 na ililigtas tayo sa kamay ng ating mga kaaway, upang walang takot natin siyang mapag­ling­kuran, 75 nang may kabanalan at kataru­ngan sa harap niya sa buong buhay natin.  

76 At ikaw naman na munti pang anak ay tatawaging propeta ng Kataas-taasan. Mangunguna ka nga sa Panginoon para ihanda ang kanyang daan. 77 Ituturo mo ang kaligtasan sa kanyang bayan sa pagpapatawad niya sa kanilang mga sala. 78 Ito ang gagawin ng maawaain nating Diyos sa pagpapasikat niya sa atin ng araw na galing sa kaitaasan 79 upang liwanagan ang mga nananatili sa kadiliman at sa lilim ng kamatayan, at akayin ang ating mga yapak sa daan ng kapaya­paan.”

No comments: