Mabuting Balita: Lucas 1:46-56
46 Sinabi
ni Maria:
“Dinadakila
ng aking kaluluwa ang Panginoon
47 at
nagagalak ang aking espiritu sa Diyos na aking Tagapagligtas
48 dahil
isinaalang-alang niya ang abang utusan niya,
at mula
ngayon, ituturing akong mapalad ng lahat ng salinlahi.
49 Dakila
nga ang ginawa sa akin ng Makapangyarihan,
banal ang
kanyang Pangalan.
50 Patuloy
ang kanyang awa sa mga sali’t salinlahi
para sa mga
may pitagan sa kanya.
51 Ipinakita
niya ang lakas ng kanyang bisig,
ipinagtabuyan
ang mga taong may mapagmataas na balak.
52 Pinatalsik
niya sa luklukan ang mga makapangyarihan,
itinampok
naman ang mga bale-wala.
53 Binusog
niya ng mabubuting bagay ang mga nagugutom
at itinaboy
namang walang-wala ang mayayaman.
54 Nilingap
niya ang Israel na kanyang lingkod,
inalaala ang
kanyang awa
55ayon sa
ipinangako niya sa ating mga ninuno,
kay Abraham
at sa kanyang angkan magpakailanman.”
56 Mga tatlong buwang nanatili si Mariang kasama ni Elizabeth at saka nagbalik sa kanyang bahay.
No comments:
Post a Comment