Friday, December 17, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Disyembre 18 Sabado sa Ikatlong Linggo ng Adbiyento: Mateo 1:18-25

 

Mabuting Balita: Mateo 1:18-25
18 Ganito ipinanganak si Jesucristo. Ipinag­kasundo na kay Jose ang kanyang inang si Maria pero bago sila nagsama bilang mag-asawa, nagdadalantao na siya gawa ng Espiritu Santo. 19 Kaya binalak ni Jose na hiwalayan nang lihim ang kanyang asawa. Matuwid nga siya at ayaw niya itong mapahiya. 

20 Habang iniisip-isip niya ito, napa­kita sa kanya sa panaginip ang Anghel ng Panginoon at sinabi: “Jose, anak ni David, huwag kang matakot na tanggapin si Maria bilang iyong asawa. Gawa ng Espiritu Santo kaya siya naglihi, 21 at manga­nganak siya ng isang sanggol na lalaki, na panga­ngalanan mong Jesus sapagkat siya ang magliligtas sa kanyang sambayanan mula sa kanilang mga kasa­lanan.” 

22 Nangyari ang lahat ng ito para matu­pad ang sinabi ng Panginoon sa pamama­gitan ng Propeta: 23 “Maglilihi ang birhen at magsisilang ng isang sanggol na lalaki at tatawagin nila siyang Emmanuel na ibig sabihi’y Nasa-atin-ang-Diyos.” 24 Ka­ya pagka­gising ni Jose, ginawa niya ang sinabi ng Anghel ng Panginoon at tinang­gap niya ang kanyang asawa. 25 Ngunit hindi sila nag­talik bago isilang ang sang­­gol. At pina­ngalanan niya itong Jesus.

No comments: