Wednesday, December 15, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Disyembre 16 Huwebes sa Ikatlong Linggo ng Adbiyento: Juan 5:33-36 (Simula ng Simbang Gabi)


Mabuting Balita: Juan 5:33-36
Sinabi ni Jesus sa mga Judio 33 Nagpasugo kayo kay Juan at binigyang-patunay niya ang katotohanan. 34 Ipinaaalaala ko ito para maligtas kayo; ngunit hindi ko hangad ang patunay mula sa tao. 35 Siya nga ang ilaw na may sindi at nagniningning, at ginusto n’yong magalak pansaman­tala sa kanyang liwanag.  

36 May patunay naman ako na higit pa kaysa kay Juan – ang mga gawang bigay sa akin ng Ama upang tuparin ko ang mga iyon. Ang mga gawa mismong ginagawa ko ang nagpapatunay na sinugo ako ng Ama.

 

No comments: