23 Pagpasok ni Jesus
sa Templo, lumapit sa kanya ang mga punong-pari, mga guro ng Batas at mga
Matatanda ng mga Judio, at nagtanong: “Ano ang karapatan mong gawin ang mga
ito? Sino ang nagtalaga sa iyo?” 24 Sinagot sila ni Jesus: “Tatanungin ko
rin kayo ng isang tanong. At kung may sagot kayo, sasagutin ko kayo kung sino
ang nagtalaga sa akin para sa mga ito.
25 Saan galing ang
pagbibinyag ni Juan, sa Diyos ba o sa tao?” At nag-isip-isip sila: “Kung
isasagot nating galing sa Diyos, sasabihin niya: ‘Bakit di kayo naniwala sa
kanya?’ 26 At kung sasabihin naman nating ‘Galing lamang sa tao ang
pagbibinyag ni Juan,’ dapat tayong matakot sa bayan sapagkat akala nila’y tunay
na propeta si Juan.” 27 Kaya sinabi nila kay Jesus: “Hindi namin alam.” At
sinabi sa kanila ni Jesus: “Hindi ko rin sasabihin sa inyo kung sino ang nagtalaga
sa akin na gumawa ng mga ito.”
No comments:
Post a Comment