Sinabi ni Jesus sa mga
tao 16 Ngayon, kanino ko ikukumpara ang mga tao sa kasalukuyan? Para silang mga
batang nakaupo sa mga plasa at nagkakantahan, at nagrereklamo ang ilan sa
kanila: 17 ‘Tinugtog namin ang plauta para sa inyo pero ayaw ninyong
sumayaw, at nang umawit naman kami ng malungkot na awit, ayaw din ninyong
umiyak!’
18 Ganito rin ang
nangyari: Dumating muna si Juan na nag-aayuno, at sabi ng mga tao: ‘Inaalihan
siya ng demonyo.’ 19 At saka dumating ang Anak ng Tao na kumakain at
umiinom, at ang sabi ng mga tao: ‘Lasenggo at matakaw, kaibigan ng mga
publikano at mga makasalanan!’ Gayon pa man, mapatutunayang tama ang karunungan
ng Diyos sa mga gawa nito.”
No comments:
Post a Comment