27 Pag-alis ni Jesus
sa lugar na iyon, sumunod sa kanya ang dalawang bulag na lalaki na sumisigaw:
“Anak ni David, tulungan mo kami!” 28 Pagdating niya sa bahay, inabutan
siya ng mga bulag at sinabi ni Jesus sa kanila: “Naniniwala ba kayo na may
kapangyarihan ako para gawin ang gusto ninyong mangyari?” At sumagot sila:
“Oo, Ginoo!”
29 Hinipo ni Jesus
ang kanilang mga mata at sinabi: “Mangyari sa inyo ang inyong paniwala.”
30 At nabuksan ang kanilang mga mata. Mahigpit naman silang tinagubilinan
ni Jesus: “Mag-ingat kayo at huwag sabihin ito kanino man.” 31 Ngunit
pagkaalis nila, ipinahayag nila siya sa buong bayan.
No comments:
Post a Comment