21 Sinabi ni Jesus sa mga
alagad hindi lahat ng nagsasabi sa akin ng ‘Panginoon! Panginoon!’ ay papasok
sa kaharian ng Langit kundi ang nagsasagawa sa kalooban ng Diyos ang siyang
papasok sa kaharian ng Langit.
24 Kaya kung may
nakikinig sa mga salita ko at sumusunod dito, matutulad siya sa isang
matalinong nagtayo ng bahay sa batuhan. 25 Bumagyo at bumaha ang ilog at
humangin nang malakas, ngunit hindi nagiba ang bahay sapagkat itinayo ito sa
batuhan. 26 At ang sinumang nakakarinig sa aking mga salita at hindi
nagsasagawa nito, matutulad siya sa isang hangal na nagtayo ng bahay sa
buhangin. 27 Bumagyo at bumaha ang ilog at humangin nang malakas, at
bumagsak ang bahay at kay laking kapahamakan!
No comments:
Post a Comment