Sunday, November 28, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Nobyembre 30 Martes San Andres, apostol (Kapistahan): Mateo 4:18-22


Mabuting Balita: Mateo 4:18-22
18 Sa paglalakad ni Jesus sa pampang ng lawa ng Galilea, nakita niya ang  mag­kapatid na Simon na tinawag na Pedro at Andres na naghahagis ng mga lambat dahil mga mangingisda sila. 19 Sinabi niya sa kanila: “Halikayo, sumunod kayo sa akin, at gagawin ko kayong mangingisda ng tao.” 

20 Agad nilang iniwan ang kanilang mga lambat at sumunod sa kanya. 21 Nagpatuloy siya sa paglakad at na­kita naman niya ang magkapatid na Jaime at Juan na mga anak ni Zebedeo. Nasa bangka sila kasama ng kani­lang amang si Zebedeo at nagsu­sursi ng kani­lang lambat. Tinawag sila ni Jesus. 22 Agad nilang iniwan ang bangka nila at ang ka­nilang ama, at nag­simulang sumunod sa kanya.  

No comments: