Saturday, November 27, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Nobyembre 29 Lunes sa Unang Linggo ng Adbiyento: Mateo 8:5-11


Mabuting Balita: Mateo 8:5-11
Pagdating ni Jesus sa Caper­naum lumapit sa kanya ang isang kapitan at nakiusap sa kanya: 6 “Ginoo, nakahiga sa bahay ang aking katulong. Lumpo siya at sobra na ang paghihirap…” 7 Sinabi sa kanya ni Jesus: “Paroroon ako at paga­galingin ko siya.”  

8 Sumagot ang kapitan: “Hindi ako karapat-dapat para tumuloy ka sa bahay ko. Mag-utos ka lang at gagaling na ang aking katulong. May nag-uutos sa akin at may inuutusan din ako, at pag sinabi ko sa isa sa mga kawal na nasa ilalim ko: ‘Pumaroon ka,’ pumaparoon siya. At sinasabi ko naman sa isa pa: ‘Pumarito ka,’ at pumaparito siya; at sa aking katulong: ‘Gawin mo ito,’ at ginagawa niya ito.”  

10 Nang marinig ito ni Jesus, humanga siya at sinabi sa mga sumu­sunod sa kanya: “Sinasabi ko sa inyo, wala pa akong natagpuang ganitong paniniwala sa Israel. 11 Sinasabi ko sa inyo: marami ang darating mula sa silangan at sa kanluran para makisalo kina Abraham, Isaac at Jacob sa kaha­rian ng Langit.

No comments: