Monday, November 22, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Nobyembre 23 Martes sa Ika-34 na Linggo ng Taon: Lucas 21:5-11


Mabuting Balita: Lucas 21:5-11
5 May ilan namang nag-uusap tung­kol sa Templo, at sinabi nila na may maga­gandang bato ito at mamahaling pala­muti. Sinabi naman ni Jesus: 6 “Darating ang mga araw na walang matitirang magkapatong na bato sa lahat ng inyong nakikita; iguguho ang lahat.” 7 Nagtanong sila sa kanya: “Guro, kailan ito mang­ya­yari at ano ang tanda na sumapit na ito?”  

8 Sumagot si Jesus: “Mag-ingat kayo at baka kayo madaya. Maraming aang­kin sa aking pangalan sa pagsasabing ‘Ako ang Mesiyas; ako siya,’ at ‘Palapit na ang pana­hon.’ Huwag kayong sumunod sa kanila. 9 Sa pagkabalita ninyo sa digmaan at mga kaguluhan, huwag kayong mali­galig; mangyayari muna ito pero hindi pa ito ang wakas.”  

10  At sinabi niya sa kanila: “Magdi­digmaan ang mga bayan at magla­laban-laban ang mga kaharian. 11 Mag­kakaroon din ng malalakas na lindol sa ma­raming lugar, magkakaroon ng tag­gutom, mag­kakaroon ng mga kakila-kilabot na bagay at ng malalaki ring kaba­­balaghan sa langit.

No comments: