Sunday, November 21, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Nobyembre 22 Lunes Santa Cecilia, dalaga at martir (Paggunita): Lucas 21:1-4


Mabuting Balita: Lucas 21:1-4
1 Tumingin si Jesus at may mayayaman na naghuhulog ng kanilang abuloy sa kabang-yaman. 2 At nakita rin niya ang isang pobreng biyuda na naghulog ng dalawang barya. 3 At sinabi niya: “Talagang sinasabi ko sa inyo na pinakamahalaga sa lahat ang inihulog ng dukhang biyudang ito. 4 Naghulog nga silang lahat sa kabang-yaman mula sa sobra nila pero inihulog naman niya mula sa kanyang kasalatan ang buo niyang kabuhayan.”

No comments: