28 At paano kung may magbalak magtayo ng silungan ng bantay sa bukid? Di ba’t uupo muna siya at tatantyahin ang gastos para malaman kung may sapat siya para maipatapos iyon? 29 Sapagkat kung mailagay niya ang pundasyon at hindi naman niya iyon maipatapos, pagtatawanan lamang siya ng lahat: 30 ‘Hayan ang nagsimulang magtayo at hindi na maipatapos.’
31 At paano kung may haring makikipagharap
sa ibang hari? Di ba’t uupo muna siya para mag-isip kung kaya niya at ng
sampung libong kasama niya na harapin ang dumarating na may dalawampung
libo? 32 At kung hindi naman, malayo pa ang isa ay magpapadala na siya ng mga
sugo para makipag-areglo. 33 Gayon din sa inyo. Hindi puwedeng maging
alagad ko ang di tumatalikod sa lahat ng kanya.
No comments:
Post a Comment