Tuesday, November 2, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Nobyembre 3 Miyerkules sa Ika-31 na Linggo ng Taon: Lucas 14:25-33


Mabuting Balita: 
Lucas 14:25-33
25 Habang naglalakad ang napa­kara­ming tao na kasama ni Jesus, hu­marap siya sa kanila at sinabi: 26 “Kung may dumating sa akin na di nagtatakwil sa pag-ibig sa kanyang ama at ina, at asawa at mga anak, at mga ka­patid na lalaki at babae, at maging sa kanyang sarili, hindi siya puwedeng maging alagad ko. 27 At hindi puwedeng maging alagad ko ang di nagpapasan ng kan­yang krus sa pag­su­nod sa akin. 

28 At paano kung may magbalak mag­­­tayo ng silungan ng bantay sa bukid? Di ba’t uupo muna siya at tatantyahin ang gastos para ma­laman kung may sapat siya para maipatapos iyon? 29 Sapagkat kung mailagay niya ang pundasyon at hindi naman niya iyon ma­ipa­tapos, pagtatawanan lamang siya ng lahat: 30 ‘Hayan ang nagsimu­lang magtayo at hindi na maipa­tapos.’ 

31 At paano kung may haring ma­ki­kipag­harap sa ibang hari? Di ba’t uupo muna siya para mag-isip kung kaya niya at ng sampung libong kasama niya  na harapin ang dumarating na may dala­wam­­pung libo? 32 At kung hindi naman, malayo pa ang isa ay magpapadala na siya ng mga sugo para maki­pag-areglo. 33 Gayon din sa inyo. Hindi puwedeng maging alagad ko ang di tumatalikod sa lahat ng kanya.

No comments: