Monday, November 1, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Nobyembre 2 Martes Paggunita sa lahat ng mga Pumanaw na Kristiyano: Juan 14:1-6


Mabuting Balita: Juan 14:1-6    
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: 1 Huwag mabagabag ang inyong mga puso. Manalig kayo sa Diyos, at manalig din kayo sa akin. 2 Mara¬ming silid sa bahay ng aking Ama. Kung hindi’y hindi ko sana sinabi sa inyong: “Pupunta ako upang ipag-handa kayo ng lugar.” 3 At pag pumunta na ako at naipag¬handa kayo ng lugar, muli akong darating at dadalhin ko kayo sa akin upang kung saan ako naroon, gayon din naman kayo. 

4 At alam n’yo ang daan sa pupun¬tahan ko.” 5 Sinabi sa kanya ni Tomas: “Pangi-noon, hindi namin alam kung saan ka pu¬punta. Paano namin malalaman ang daan?” 6 Sinabi sa kanya ni Jesus: “Ako siyang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang nakalalapit sa Ama kundi sa pamamagitan ko.  

No comments: