Wednesday, November 24, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Linggo Nobyembre 28 Unang Linggo ng Adbiyento: Lucas 21:25-28, 34-36


Mabuting Balita: Lucas 21:25-28, 34-36
25 Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: Magkakaroon ng mga tanda sa araw, buwan at mga bituin. Sa lupa’y manga¬ngamba ang mga bansa dahil sa ugong at alon ng dagat, at wala silang magagawa. 26 Hihimatayin ang mga tao dahil sa takot at pagkabahala sa mga sasapitin ng sanlibutan sapagkat mayayanig ang mga puwersa ng sanlibutan.  

27 At makikita nila ang Anak ng Tao na dumarating na nasa ulap na may Kapangyarihan at ganap na Luwalhati. 28 Kung magsimula nang maganap ang mga ito, tumindig kayo at tumunghay dahil palapit na ang inyong katubusan.” 

Mag-ingat kayo’t baka bumigat ang inyong mga isip sa mga bisyo, paglalasing at mga intindihin sa buhay. At baka bigla kayong datnan ng araw na iyon. 35 Babagsak itong parang bitag sa lahat ng nasa lupa. 36 Kaya lagi kayong magbantay at manalangin para maging marapat na makatakas sa lahat ng mangyayaring ito at makaharap sa Anak ng Tao.”

No comments: