32 Tinawag ni Jesus ang kanyang mga alagad at sinabi sa kanila: “Labis akong naaawa sa mga taong ito, pangatlong araw ko na silang kasama at wala na silang makain. Ayaw kong paalisin silang gutom at baka mahilo sila sa daan.” 33 Sinabi ng mga alagad sa kanya: “At saan naman tayo hahanap ng sapat na tinapay sa ilang na ito para ipakain sa mga taong iyan?” 34 Sinabi ni Jesus sa kanila: “Ilan bang tinapay meron kayo?” Sumagot sila: “Pito, at kaunting maliliit na isda.”
35 Pinaupo ni Jesus
sa lupa ang mga tao, 36 kinuha niya ang pitong tinapay at ang maliliit na
isda, at nagpasalamat sa Diyos. Hinati-hati niya ang mga ito at ibinigay sa
kanyang mga alagad, at ibinigay rin nila sa mga tao. 37 Kumain silang
lahat at nabusog at inipon ang mga natirang pira-piraso – pitong punong bayong.
No comments:
Post a Comment