Tuesday, October 5, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Oktubre 6 Miyerkules sa Ika-27 Linggo ng Taon: Lucas 11:1-4


Mabuting Balita: Lucas 11:1-4
1 Isang araw, nananalangin si Jesus sa isang lugar at pagka­tapos niya’y sinabi sa kanya ng isa sa kanyang mga alagad: “Panginoon, turu­an mo kaming manalangin kung pa­anong tinu­ruan ni Juan ang kanyang mga alagad.”  

2 At sinabi ni Jesus sa kanila: “Kung mana­nalangin kayo, sa­bihin nin­yo: Ama, sambahin ang ngalan mo, dumating ang kaharian mo, 3 bigyan mo kami araw-araw ng pagkaing kailangang-kailangan namin, 4 patawarin mo kami sa aming mga sala; tingnan mo’t pinatatawad din namin ang lahat ng may utang sa amin, at huwag mo kaming dalhin sa tukso.”  

No comments: