Monday, October 4, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Oktubre 5 Martes sa Ika-27 Linggo ng Taon: Lucas 10:38-42


Mabuting Balita: Lucas 10:38-42
Sa kanilang paglalakbay, pumasok si Jesus sa isang nayon at pinatuloy siya ng isang babaeng nagnga­ngalang Marta. 39 May kapatid siyang babae na tina­tawag na Maria. Naupo ito sa may paa­nan ng Panginoon at nakikinig sa kanyang salita. 40 Abalang-abala naman si Marta sa mga pagsisilbi kaya lumapit siya at sinabi: “Panginoon, hindi mo ba napapansing pinabayaan ako ng aking kapatid na babae na magsilbing mag-isa? Pakisabi mo naman sa kanya na tulungan ako.”  

41 Sumagot sa kanya ang Panginoon: “Marta, Marta, abala ka’t balisa sa ma­raming bagay; 42 isa lang naman ang ka­ilangan. Pinili nga ni Maria ang ma­inam na bahagi na hindi kukunin sa kanya.” 

No comments: