Thursday, October 28, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Oktubre 29 Biyernes sa Ika-30 na Linggo ng Taon: Lucas 14:1-6


Mabuting Balita: Lucas 
14:1-6
1 Isang Araw ng Pahinga, pumasok si Jesus sa bahay ng isang pinuno ng mga Pariseo para ku­main, at minamanmanan naman nila siya. 2 Nasa harap niya roon ang isang taong mina­manas 3 kaya nag­tanong si Jesus sa mga guro ng Batas at mga Pariseo: “Puwede bang magpagaling sa Araw ng Pahinga o hindi?” 4 Hindi sila umi­mik kaya hinawakan ni Jesus ang maysakit, pinaga­ling ito at saka pi­na­uwi.  

5  Pagkatapos ay sinabi niya sa kanila: “Kung mahulog sa balon ang anak o ang baka ng isa sa inyo, di ba’t agad niya itong iniaahon kahit na Araw ng Pahi­nga?” 6 At hindi nila siya nasa­got.

No comments: