Tuesday, October 26, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Oktubre 27 Miyerkules sa Ika 30 na Linggo ng Taon: Lucas 13:22-30


Mabuting Balita: Lucas 
13:22-30
22 Dumaan si Jesus sa mga lunsod at mga nayon, na nagangaral habang papunta siya sa Jerusalem. 23 May nagtanong sa kanya: “Panginoon, kakaunti nga ba ang maliligtas?” At sinabi ni Jesus sa mga tao: 24 “Mag­pumilit ka­yong pumasok sa makipot na pintuan sapagkat sinasabi ko sa inyo: marami ang gustong pumasok at di maka­pa­pasok.  

 25 Kapag tumindig na ang may-ari ng bahay at naisara na ang pinto, tatayo kayo sa labas na kumakatok at magsasabing ‘Pangi­noon, buksan mo kami.’ Sasagot naman siya sa inyo: ‘Hindi ko alam kung taga­saan kayo.’  

26 Kaya sasabihin ninyo: ‘Kami ang kumain at uminom na kasalo mo, at sa aming mga lansangan ka nangaral.’ 27 Pero sasagutin niya kayo: ‘Hindi ko alam kung tagasaan kayo. Lumayo sa akin, kayong mga gumagawa ng ma­sama.’  28 Naroon ang iyakan at pag­­-nga­ngalit ng mga ngipin pagkakita ninyo kina Abraham, Isaac, Jacob at sa lahat ng pro­peta sa kaharian ng Diyos, at ipagtatabuyan naman kayo sa labas.  

29 At maki­kisalo naman sa Kaharian ng Diyos ang mga darating mula sa sila­ngan, kanluran, timog at hilaga. 30 Oo, may mga huli ngayon na mauuna at may mga una na mahu­huli.” 

No comments: