Thursday, October 21, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Oktubre 22 Biyernes sa Ika 29 na Linggo ng Taon: Lucas 12:54-59


Mabuting Balita: Lucas 12:54-59
54 Sinabi rin ni Jesus sa mga tao: “Kapag nakita ninyong tumataas ang ulap sa kanluran, kaagad ninyong sinasabi, ‘Uulan,’ at ganoon nga ang nang­yayari. 55 At kung umiihip naman ang hangin galing timog, sinasabi ninyong ‘Magiging napakainit,’ at nangyayari nga ito. 56 Mga mapagkunwari! Nabi­bigyan ninyo ng ka­hu­lugan ang anyo ng lupa at langit pero bakit hindi ninyo sinusuri kung ano ang panahong ito? 

57 At bakit hindi kayo mismo ang ma­ka­pag­pas­ya kung ano ang tama? 58 Sa pag­punta mo sa mayka­pang­ya­rihan kasama ng kalaban mo, sikapin mong ma­kipag-areglo sa kanya sa daan; baka iharap ka sa hukom, at ibigay ka naman ng hukom sa pulis para ipakulong sa bilangguan. 59 Sinasabi ko sa iyo: hindi ka makalalabas doon hanggang hindi mo nababaya­ran ang kahuli-hulihang sentimo.”

No comments: