Wednesday, October 20, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Oktubre 21 Huwebes sa Ika 29 na Linggo ng Taon: Lucas 12:49-53


Mabuting Balita: Lucas 12:49-53
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, 49 Dumating ako upang maghagis ng apoy sa lupa, at ganoon na lamang ang pagnanais kong magliyab na sana ito! 50 Ngunit dapat akong mabinyagan ng isang binyag, at ganoon na lamang ang pagkabalisa ko hanggang di ito na­ga­ganap!  

51 Sa akala ba ninyo’y duma­ting ako para magbigay ng kapa­yapaan sa lupa? Hindi, sinasabi ko sa inyo, kundi paghihiwa-hiwalay! 52 Sa­pagkat mula ngayo’y magkakahati-hati ang limang nasa isang sambahayan, tatlo laban sa dalawa at dalawa laban sa tatlo; 53 mag­kakahati-hati sila: ama la­ban sa anak na lalaki at anak na lalaki laban sa ama, ina laban sa anak na babae at anak na babae laban sa ina, biyenang babae laban sa kanyang manugang na babae at manu­gang na babae laban sa biye­nang babae.” 

No comments: