Tuesday, October 19, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Oktubre 20 Miyerkules sa Ika 29 na Linggo ng Taon: Lucas 12:39-48


Mabuting Balita: Lucas 12:39-48
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad 39 Isipin ninyo ito: kung nalaman lamang ng may-ari ng bahay kung anong oras ng gabi ang dating ng magnanakaw, hindi sana niya paba­bayaang looban ang kanyang bahay. 40 Kaya maging han­da kayo sapagkat duma­rating ang Anak ng Tao sa oras na hindi ninyo inaakala.” 

41 Sinabi ni Pedro: “Panginoon, ka­nino mo ba sinasabi ang talinhagang ito, sa amin o sa lahat?” 42 Sumagot ang Pangi­noon: “Isipin ninyo ito: may tapat at mata­linong katiwala na panga­nga­siwain ng panginoon sa kanyang mga tauhan para bigyan sila ng rasyon sa tamang oras. 43 Kung sa pagdating ng kan­yang panginoon ay matagpuan siya nitong tumu­tupad nang gayon, mapalad ang lingkod na iyon. 

44 Talagang sinasabi ko sa inyo, panganga­siwain siya nito sa lahat nitong ari-arian. 45 Ngunit maaari namang maisip ng lingkod na iyon: ‘Matatagalan pang dumating ang panginoon ko’ at simulang pagmalupitan ang mga utusang lalaki at babae, at kumain, uminom at maglasing. 46 Ngu­nit darating ang panginoon ng lingkod na iyon sa araw na di niya inaasahan at sa oras na di niya nalalaman. Palala­yasin niya ang katulong na ito at pakiki­tunguhang gaya ng mga di-tapat. 

47 Maraming hampas ang tatang­gapin ng katulong na nakaaalam sa kalooban ng kanyang panginoon pero hindi nag­handa ni sumunod sa kalooban niya. 48 Kaunti lang naman ang tatanggapin ng walang nalalaman sa kalooban niya ngu­nit gumawa ng mga bagay na dapat parusahan. Hihingan nga ng marami ang binigyan ng marami at hihingan nang higit ang pinag­katiwalaan nang higit.

No comments: