Sinabi ni
Jesus sa kanyang mga alagad 35 Maghintay kayong bihis at handang
maglingkod, na may nakasinding mga lampara. 36 Maging tulad kayo ng mga
taong naghihintay sa kanilang panginoon. Pauwi siya mula sa kasalan at agad
nilang mabubuksan ang pinto pag dating niya at pag katok.
37 Mapalad ang mga lingkod na iyon na matatagpuang naghihintay sa panginoon pagdating niya. Maniwala kayo sa akin, isusuot niya ang damit pantrabaho at pauupuin sila sa hapag at isa-isa silang pagsisilbihan. 38 Dumating man siya sa hatinggabi o sa madaling-araw at matagpuan niya silang ganito, mapalad ang mga iyon!
No comments:
Post a Comment