Sunday, October 17, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Oktubre 18 Lunes; San Lucas ebanghelista (Kapistahan) Lucas 10:1-9


Mabuting Balita: Lucas 10:1-9
1 Pagkatapos nito, humirang ang Panginoon ng iba pang pitumpu’t dalawa at isinugo silang dala-dalawa na mauna sa kanya sa bawat ba­yan at lugar na takda niyang pun­tahan. 2 Sinabi niya sa kanila: “Marami nga ang aanihin at kakaunti naman ang mga mang­gagawa; idalangin ninyo sa panginoon ng ani na magpadala siya ng mga manggagawa sa kanyang ani. 3 Lumakad na kayo. Isinusugo ko ka­yong parang mga tupa sa gitna ng mga asong-gubat. 4 Huwag kayong magdala ng pitaka, bag o mga sandalyas. At huwag ninyong ba­tiin ang sinuman sa daan. 

5 Saanmang bahay kayo pumasok, sa­bihin muna ninyo: ‘Mapasatahanang ito ang kapayapaan!’ 6 Kung mapaya­pang tao ang naroon, sasakanya ang inyong kapayapaan. Kung hindi’y mag­babalik sa inyo ang inyong dasal. 7 At sa bahay na iyon kayo manatili; kumain kayo at umi­nom na kasalo nila sapag­kat may karapatan ang manggagawa sa kanyang sa­hod. Huwag kayong magpapapalit-palit ng bahay. 

• 8 Saanmang bayan kayo pumasok at tanggapin nila kayo, kanin ninyo anu­mang ihain sa inyo. 9 Pagalingin din ninyo ang mga maysakit doon at sabihin ninyo sa kanila: ‘Palapit na sa inyo ang kaha­rian ng Diyos.’

 

No comments: