Sunday, October 31, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Nobyembre 1 Lunes Lahat ng mga Banal: Mateo 5:1-12a


Mabuting Balita: Mateo 5:1-12a
1 Nang makita ni Jesus ang makapal na tao, umahon siya sa bundok. Naupo siya roon at lumapit sa kanya ang kanyang mga alagad.

2 At nag¬simula siyang magturo sa kanila:

3 “Mapapalad ang mga may diwa ng dukha sapagkat sa kanila ang Kaha¬rian ng Langit.

4 Mapapalad ang mga nagluluksa sapagkat pagiginhawahin sila.

5 Mapapalad ang mga di-marahas sa¬pagkat mapapasakanila ang lupain.

6 Mapapalad ang mga nagugutom at nauuhaw sa katarungan sapagkat bubu¬sugin sila.

7 Mapapalad ang mga maawain sapagkat kaaawaan sila.

8 Mapapalad ang mga may busilak na puso sapagkat makikita nila ang Diyos.

9 Mapapalad ang mga nagpupun¬yagi para sa kapayapaan sapagkat tatawagin silang mga anak ng Diyos.

10 Mapapalad ang mga pinag-uusig dahil sa katarungan sapagkat kanila ang Kaharian ng Langit.

11 Mapapalad kayo kung iniinsulto kayo at pinag-uusig at sinisiraang-puri dahil sa akin. 12 Magsaya kayo at maga¬lak sa¬pagkat malaki ang gantim¬palang nasa Diyos para sa inyo.

No comments: