Sunday, October 3, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Lunes Oktubre 4 San Francisco de Asis, relihiyoso (Paggunita): Lucas 10:25-37


Mabuting Balita: Lucas 10:25-37
May tumindig na isang guro ng Batas para subukin si Jesus. Sinabi niya: “Guro, ano ang gagawin ko para makamit ang buhay na walang hang­gan?” 26 Suma­got sa kanya si Jesus: “Ano ba ang nasu­sulat sa Batas, at pa­ano mo ito naiin­tin­dihan?” 27 Suma­got ang guro ng Batas: “Mamahalin mo ang Panginoon mong Diyos nang buo mong puso at nang buo mong kaluluwa at nang buo mong lakas at nang buo mong pag-iisip. At nasusulat din naman: Mamahalin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.” 

28 Noo’y sinabi ni Jesus sa kanya: “Tama ang sagot mo. Gawin mo ito at mabubuhay ka.” 29 Pero gustong ma­ngat­wiran ng guro ng Batas kaya sinabi niya kay Jesus: “At sino naman ang aking kapwa?” 30 Sinagot siya ni Jesus: “May isang taong bumaba mula sa Jerusalem papunta sa Jerico at nahu­log siya sa kamay ng mga tulisan. Hinubaran siya ng mga ito at binugbog at saka iniwang ha­los patay na. 31 Nag­ka­taon namang may isang paring pababa rin sa daang iyon. Pag­ka­kita sa kanya, lumihis ito ng daan. 32 Ga­yun­din naman, may isang Levitang napadaan sa lugar na iyon; nang makita siya’y lumihis din ito ng daan. 

33 Pero may isang Samaritano namang naglalakbay na napadaan sa kina­roro­o­nan niya; pagkakita nito sa kanya, naawa ito sa kanya. 34 Kayat lumapit ito, binu­husan ng langis at alak ang kanyang mga sugat at binendahan. Isinakay nito ang tao sa sarili niyang hayop at dinala sa isang bahay-panuluyan at inalagaan. 35 Kinabu­kasan, du­mukot ang Samaritano ng dalawang denaryo, ibinigay sa may-ari ng bahay-panuluyan at sinabi: ‘Alagaan mo siya; sasagutin ko ang anu­mang karag­da­gang gastos pagbalik ko’.” 

36 At sinabi ni Jesus: “Sa palagay mo, sino sa tatlong ito ang naging kapwa sa taong nahulog sa kamay ng mga tuli­-san?” 37 Sagot ng guro: “Ang nagda­lang-habag sa kanya.” Kaya sinabi ni Jesus sa kanya: “Humayo ka’t ganoon din ang gawin.” 

No comments: