Saturday, October 2, 2021

Ang Mabuting Balita at Repleksyon para sa Linggo Octobre 3 Ika-27 na Linggo sa Karaniwang Panahon: Marcos 10:2-16







Mabuting Balita: Marcos 10:2-16
2 Noong panahong iyon lumapit ang ilang Pariseo na gusto siyang su­bukan at tinanong nila siya: “Pinahihintulutan bang diborsiyuhin ng lalaki ang kanyang asawa sa anumang dahilan?” 3 Itina­­nong naman niya: “Ano ang ini­utos sa inyo ni Moises?” At sinabi nila: 4 “Ipinahintulot ni Moises na paalisin ang babae pagkabigay sa kanya ng kasulatan ng diborsiyo.”

5 Sinabi naman ni Jesus sa kanila: “Alam ni Moises na matigas ang inyong puso kaya sinulat niya ang kautusang ito. 6 Ngunit sa simula’y ginawa sila ng Maykapal na lalaki at babae, 7 at dahil dito, iiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina at magiging iisang katawan ang dalawa. 8 Kung gayo’y hindi na sila da­lawa kundi iisang katawan lamang 9 kaya huwag paghi­walayin ng tao ang pinagbuklod ng Diyos.”

10 Nang nasa bahay na sila, tinanong siyang muli ng mga alagad. 11 At sinabi niya sa kanila: “Kung may lalaking mag­­paalis sa kanyang asawa at saka magpa­kasal sa iba, nakiapid na siya. 12 At kung ang babae naman ang mag­paalis sa lalaki at magpakasal sa iba, nakikiapid din siya.”

• 13 May nagdala naman kay Jesus ng mga bata para hipuin niya sila. Ngunit pinagalitan ng mga alagad ang mga taong may dala sa kanila.

14 At pagkakita ni Jesus, nagalit siya at sinabi sa kanila: “Pabayaan ninyong lu­ma­pit sa akin ang mga bata. Huwag ninyo silang pigilan. Sa mga tulad nga nila ang kaharian ng Diyos. 15 Talagang sinasabi ko sa inyo: hindi papasok sa kaharian ng Diyos ang di tumatanggap dito gaya ng isang maliit na bata.” 16 At pagka­kalong sa kanila ni Jesus, ipinatong niya sa ka­nila ang kanyang mga kamay para basbasan sila.  

+ + + + + + +

Repleksyon:

Kumusta ang iyong buhay bilang may asawa?

Ito ay mga halimbawa ng isang buhay may asawa na nasa krisis: 1.) Ang lalaki ay may bawal na relasyon liban sa kanyang asawa. 2.) Ang babae ay nakatira pa rin sa iisang bahay kasama ng kanyang asawa ngunit bihira na silang mag usap at siya na tumitira parin sa bahay para nalang sa kanyang mga anak. 3.) Ang babae ay nag sampa ng kaso para ipawalang bias ang kanilang kasal.  Bakit po ba nangyayari ang ganito sa buhay ng mga mag asawa?  

Marahil ito po ay dahil sa kakulangan ng matibay na pundasyon at pagtitiwala sa sakramento ng kasal.  Marahil ito po ay dahil din sa kanilang pagmamataas, kakulagan ng pagpapakumbaba at kakulangan ng pagtitiis para maging matagumpay ang kanila buhay mag-asawa. Marahil ay nakita rin ng mag-asawa noong sila ay mga bata pa kung paano hindi rin pinahalagahan ng kanilang magulang ang kanilang sariling buhay may may asawa. 

Ang pagkawasak ng Sakramento ng Kasal ay hinding hindi gusto ng Panginoon dahil mula sa simula ay ang gusto ng Panginoon ay Sakramento ng Kasal ay hangang sa dulo ng walang hangang. Ito ang dahilan kaya sinabi ni Jesus: “Iiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina at magiging iisang katawan ang dalawa. 8 Kung gayo’y hindi na sila da¬lawa kundi iisang katawan lamang 9 kaya huwag paghi¬walayin ng tao ang pinagbuklod ng Diyos.” (Marcos 10:7-9)

 

Ano nga po ba ang sekreto para sa panghabang buhay na buhay may asawa? Kailagan po tayo ay magkaroong ng kababaang loob ng parang sa isang bata. Kailagan natin palaging kasama si Jesus sa ating buhay may asawa. Kailagan tayo ay mapagpatawad matiisin at kailagan palaging may oras sa pananalangin bilang isang pamilya. 

Pero ang nakakalungkot ay ang kababaan ng loob, pagtitiis, pagpapatawad at ang pagiging madasalin ay ang mga katagiang  na parang wala na sa mga mag asawa sa ngayon. Napaladali sa kanila na  na magtaksil o maghiwalay na hindi man lang iniisip ang kapakanan ng kanilang pamilya. Bakit nga ba napakahirap sa marami sa atin ang mag pakumbaba, ang magtiis, ang magpatawad at maging madasalin?

Simple lang ang kasagutan, ito po ay dahil hindi na tayo tapat na sumussunod kay Jesus. Oo, tayo ay nag sisimba, nag dadasal, nag babasa ng biblia pero hangang diyan lang. Hindi natin ito isinasapuso kaya karamihan sa atin ay nahuhulog sa patibong ni Satanas.

Si satanas na palaging itinatago ang kanyang mga temptasyon sa mga bagay na kaakit-akit para mawasak nya ang buhay ng mag asawa. At para malinlang nya ang ating puso at isipan na kalimutan ang naghihintay na kaparusahan na siguradong darating pag tayo ay kumagat sa kanyang mga temptasyon na sirain ang Sakramento ng Kasal at buhay mag-asawa.

Wala pong perpektong buhay mag asawa dahil hindi naman po tayo perpekto. Kaya importante po na ang mag-asawa ay palaging may ugnayan sa Panginoon para mapagtagumpayan ng mag asawa ang mga hamon na susubok sa kanila. – Marino J. Dasmarinas

No comments: