1 Nang magkatipon ang libu-libong tao hanggang magkatapakan na sila, sinimulang sabihin ni Jesus sa kanyang mga alagad: “Mag-ingat muna kayo sa lebadura ng mga Pariseo, na walang iba kundi ang pag¬ku¬kunwari.
2 Walang tinatakpan na di mabu¬bun¬yag, walang natatago na di malalaman. 3 Kaya naman, ang sinabi ninyo sa dilim, sa liwanag maririnig; at ang ibi¬nulong ninyo sa mga kuwarto, sa bubungan ipahahayag.
4 Sinasabi ko naman ito sa inyo na mga kaibigan ko: huwag ninyong kata¬kutan ang mga nakapapatay sa katawan at wala nang magagawa pa. 5 Ituturo ko sa inyo kung sino ang dapat ninyong katakutan: matakot kayo sa may kapangyarihang pumatay at may ka¬pangyarihan pang mag¬bulid sa impiyerno.
Oo, sinasabi ko sa inyo, ito ang kata¬kutan ninyo. 6 Di ba’t ipinag¬bibili nang dala¬wang pera ang limang maya? Subalit isa man sa kanila’y di nalilimutan ng Diyos. 7 Bilang na pati ang lahat ng buhok sa inyong ulo. Huwag ka¬yong matakot; mas maha¬laga pa kayo kaysa maraming maya.
No comments:
Post a Comment