49 Nagsusugo ako sa kanila ng mga propeta at mga apostol
ngunit uusigin nila at papatayin ang ilan sa kanila. 50 Kayat
papapanagutin ang salinlahing ito sa dugo ng lahat ng propeta, sa dugong nabuhos
mula pa sa pagkatatag ng mundo, 51 mula sa dugo ni Abel hanggang sa dugo ni
Zacarias na nasawi sa pagitan ng altar at ng santuwaryo. Oo, sinasabi ko sa
inyo, papapanagutin ang salinlahing ito.
52 Sawimpalad kayong mga guro ng Batas na umagaw sa susi ng
kaalaman. Hindi na kayo pumasok at hinadlangan pa ninyo ang mga makapapasok.”
53 Pagkatapos ay umalis si Jesus at sinimulan naman ng mga guro ng Batas
at mga Pariseo na mahigpit na makipagtalo sa kanya. Pinapagsalita nila siya
tungkol sa maraming bagay 54 at pilit na sinisilo sa anumang sinasabi
niya.
No comments:
Post a Comment