Tuesday, October 12, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Oktubre 14 Huwebes sa Ika-28 na Linggo ng Taon: Lucas 11:47-54


Mabuting Balita: Lucas 11:47-54
Sinabi ni Jesus, 47 Sawimpalad kayong nagtatayo ng mga puntod sa mga prope­tang pinatay ng inyong mga ama. 48 Sa gayon ninyo inaamin at sinasang-ayunan ang mga ginawa ng inyong mga ama; iniligpit nila ang mga propeta, at maka­pagta­tayo na kayo ngayon. 

49 Nagsusugo ako sa kanila ng mga propeta at mga apostol ngunit uusigin nila at papatayin ang ilan sa ka­nila. 50 Ka­yat papapanagutin ang salin­lahing ito sa dugo ng lahat ng propeta, sa dugong na­buhos mula pa sa pagka­tatag ng mundo, 51 mula sa dugo ni Abel hanggang sa dugo ni Zacarias na nasawi sa pagitan ng altar at ng san­tuwaryo. Oo, sinasabi ko sa inyo, pa­pa­pa­nagutin ang salinlahing ito. 

52 Sawimpalad kayong mga guro ng Batas na umagaw sa susi ng kaalaman. Hindi na kayo pumasok at hinadlangan pa ninyo ang mga ma­kapapasok.” 53 Pagkatapos ay umalis si Jesus at sinimulan naman ng mga guro ng Batas at mga Pariseo na mahigpit na maki­pagtalo sa kanya. Pinapagsa­lita nila siya tungkol sa maraming bagay 54 at pilit na sinisilo sa anumang sinasabi niya.

  

No comments: