45 Naglalabas ang taong mabuti ng mabuting bagay mula sa yaman ng kabutihan sa kanyang puso; ang masama nama’y naglalabas ng masamang bagay mula sa kanyang kasamaan. At sinasabi nga ng bibig ang uma¬apaw mula sa puso.
46 Bakit pa ninyo ako tinatawag na ‘Panginoon, Panginoon,’ gayong hindi naman ninyo tinutupad ang sinasabi ko? 47 Ilalarawan ko sa inyo ang lumalapit sa akin at nakikinig sa aking mga salita at tumutupad nito. 48 May isang taong nagtatayo ng bahay, na humukay nang malalim at sa batuhan inilagay ang mga pundasyon.
Pagdating ng
baha, hinampas ng agos ang bahay na iyon pero wala itong lakas para yanigin
iyon sapagkat mabuti ang pagkakatatag niyon. 49 At kung may nakaririnig ngunit
di naman nagsasagawa, matutulad siya sa nagtatayo ng bahay sa ibabaw ng lupa na
wala namang pundasyon. Hinampas ito ng agos at kaagad bumagsak. Anong laki ng
pagkawasak ng bahay na iyon!”
No comments:
Post a Comment