Tuesday, September 21, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Setyembre 22 Miyerkules sa Ika-25 na Linggo ng Taon: Lucas 9:1-6


Mabuting Balita: Lucas 9:1-6
1 Tinawag ni Jesus ang Labindalawa at binigyan sila ng lakas at kapangyarihan para supilin ang lahat ng demonyo at magpagaling ng mga sakit. 2 Sinugo niya sila para ipa­hayag ang kaharian ng Diyos at mag­bigay-lunas.  

3 Sinabi niya sa kanila: “Huwag ka­yong magdala ng anuman sa inyong paglakad, ni tungkod, ni supot, ni ti­na­pay, ni salapi; huwag kayong mag­ka­roon ng tigalwang bihisan. 4 Sa alin­mang bahay kayo naki­tuloy, doon kayo tumigil hanggang sa pag-alis ninyo. 5 Kung may hindi tatang­gap sa inyo, umalis kayo sa bayang iyon at ipagpag ang alikabok sa inyong mga paa bilang sakdal laban sa kanila.”  

6 Kaya nga lumabas sila at dumaan sa lahat ng bayan na nangangaral at nagpapagaling saanman.

No comments: