18 Minsan,
mag-isang nagdarasal si Jesus at naroon din ang mga alagad. Tinanong niya sila:
“Sino raw ako ayon sa sabi ng mga tao?” 19 Sumagot sila: “Si Juan Bautista
raw; may iba namang nagsasabing ikaw si Elias at may iba pang nagsasabi na
isang propeta noong una ang nabuhay.”
20 At
sinabi ni Jesus sa kanila: “Ano naman ang sinasabi ninyo kung sino ako?”
Sumagot si Pedro: “Ang Mesiyas ng Diyos.” 21 At inutusan sila ni Jesus na
huwag sabihin ito kaninuman. 22 Sinabi nga ni Jesus: “Kailangang
magtiis ng marami ang Anak ng Tao. Itatakwil nga siya ng mga Matatanda ng
bayan, ng mga punong-pari at ng mga guro ng Batas. Papatayin siya at muling
babangon sa ikatlong araw.”
No comments:
Post a Comment