39 Sinabi ni
Jesus sa kanila ang isang talinhaga: “Puwede nga kayang akayin ng isang bulag
ang isa pang bulag? Di ba’t kapwa sila mahuhulog sa kanal? 40 Hindi higit sa
kanyang guro ang alagad. Magiging katulad ng kanyang guro ang ganap na alagad.
41 Bakit mo tinitingnan ang puwing sa mata ng iyong kapatid? At di mo pansin
ang troso sa iyong mata.
42 Paano mo
masasabi sa iyong kapatid: ‘Kapatid, pahintulutan mong alisin ko ang puwing sa
mata mo,’ gayong hindi mo nga makita ang troso sa mata mo? Mapagkunwari! Alisin
mo muna ang troso sa mata mo, at saka ka makakakitang mabuti para alisin ang
puwing sa mata ng kapatid mo.
No comments:
Post a Comment