29 At tinanong niya sila: “Ngunit ano naman ang sinasabi ninyo kung sino ako?” At sumagot si Pedro: “Ikaw ang Mesiyas.” 30 At inutusan niya sila na huwag sabihin kaninuman ang tungkol sa kanya.
31 At sinimulan niyang ituro sa kanila na kailangang magtiis ng marami ang Anak ng Tao. Itatakwil nga siya ng mga Matatanda ng bayan, ng mga punong-pari at ng mga guro ng Batas. Papatayin siya at muling babangon pagkatapos ng tatlong araw. 32 At buong-tapang siyang nagsalita. Dinala naman siya ni Pedro sa isang tabi at sinimulan siyang pagsabihan. 33 Ngunit pagtalikod ni Jesus, nakita niya na naroon din ang kanyang mga alagad. Kaya pinagsabihan niya si Pedro: “Sa likod ko, Satanas! Hindi sa Diyos galing ang iniisip mo kundi mula sa tao.”
34 At
tinawag ni Jesus ang kanyang mga alagad pati ang mga tao, at sinabi: “Kung may
gustong sumunod sa akin, itakwil ang kanyang sarili at kunin ang kanyang krus
para sumunod sa akin. 35 Sapagkat
ang naghahangad na magligtas ng kanyang sarili ay mawawalan nito, at ang
mawawalan ng sarili alang-alang sa akin at
sa ebanghelyo ang magliligtas nito.
No comments:
Post a Comment