Wednesday, September 15, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Sabado sa Ika-24 na Linggo ng Taon: Lucas 8:4-15


Mabuting Balita: Lucas 8:4-15
4 Napakakapal na tao ang nagkakati­pon dahil pinupuntahan si Jesus ng mga tao mula sa kani-kanilang mga ba­yan. Kaya nagsalita siya sa talinhaga: 5 “Lumabas ang manghahasik para maghasik ng kanyang binhi. Sa kanyang paghahasik, may ilang butong nahulog sa tabi ng daan at tinapak-­tapakan at kinain ng mga ibon sa langit. 

6 Nahulog ang iba sa batuhan, at nang sumibol ay nalanta dahil sa kawalan ng halumigmig. 7 Nahulog ang iba pang buto sa gitna ng tinikan, at sa sabay nilang paglaki, sinikil ito ng mga tinik. 8 Nahulog naman ang iba pa sa matabang lupa at nang sumibol ay nagbunga nang tig-iisang daan.” Pag­kasabi nito’y sumigaw siya: “Makinig ang may tainga.”  

9 At tinanong siya ng kanyang mga alagad kung ano ang kahulugan ng talin­­hagang ito. 10 Kayat sinabi niya: “Sa inyo ipinagkaloob na malaman ang mga lihim ng kaharian ng Diyos, at sa iba nama’y sa mga talinhaga lamang para tumingin sila at hindi makakita, makinig at hindi makaunawa.  

11 Ito ang kahulugan ng talinhaga. Ang binhi ay ang salita ng Diyos. 12 Ang mga nasa tabi ng daan ay ang mga naka­karinig nito pero agad namang dumarating ang diyablo; inaagaw niya ang salita mula sa kanilang isipan upang huwag silang ma­nalig at malig­tas. 13 Ang mga nasa batu­han ay ang mga nakaka­rinig na masayang tinatanggap ang salita. Ngunit wala silang ugat kaya sandali silang nananalig at tumitiwalag naman sa panahon ng tukso. 

14 Ang na­hulog naman sa mga tini­kan ay ang mga nakakarinig ngunit sa pagpapatuloy nila’y sinikil ng mga kabalisahan, ng kayamanan at ng mga kasiyahan sa buhay kaya hindi sila nakapagbunga. 15 Ang nahulog naman sa matabang lupa ay ang mga naka­karinig sa salita at iniingatan ito nang may dakila’t mabuting loob at nagbubunga sila sa kanilang pagti­tiyaga.

No comments: