5 Pakitang-tao lamang ang lahat nilang ginagawa; dahil dito, malalapad na laso ng Kasulatan ang gusto nila para sa kanilang noo, at mahahabang palawit sa kanilang balabal. 6 Gusto nilang mabigyan ng pangunahing lugar o upuan sa mga piging at sa sinagoga. 7 Ikinatutuwa rin nilang mabati sa mga liwasan at matawag na guro ng mga tao.
8 Huwag kayong patawag na guro sapagkat iisa lamang ang Guro ninyo at magkakapatid kayong lahat. 9 Huwag din ninyong tawaging ama ang sinuman sa mundo sapagkat iisa lamang ang inyong Ama, siya na nasa Langit. 10 Huwag din kayong patawag na gabay sapagkat iisa lamang ang inyong Patnubay, si Kristo. 11 Maging alipin ninyo ang pinakadakila sa inyo. 12 Sapagkat ibababa ang nagpapakataas at itataas ang nagpapakababa.
No comments:
Post a Comment