38 Sinabi
noon ng ilang guro ng Batas at mga Pariseo: “Guro, gusto naming makakita ng
tanda mula sa iyo.” 39 Sumagot si Jesus: “Isang palatandaan ang
hinihiling ng masama at di-tapat na lahing ito ngunit walang palatandaang
ibibigay sa kanila, maliban sa palatandaan ni Propeta Jonas. 40 Kung
paanong tatlong araw at tatlong gabing nasa tiyan ng balyena si Jonas noon,
gayundin naman tatlong araw at tatlong gabing mananatili sa ilalim ng lupa ang
Anak ng Tao.
41 Sa
paghuhukom, babangon ang mga taga-Ninive kasama ng mga taong ito at hahatulan
ang salinlahing ito sapagkat nagpanibagong-buhay sila sa pangangaral ni Jonas,
at dito’y may mas dakila pa kay Jonas. 42 Sa paghuhukom, babangon ang
Reyna ng Timog, kasama ng mga taong ito at hahatulan sila. Sapagkat dumating
siya mula sa kabilang dulo ng mundo para masaksihan ang karunungan ni Solomon,
at dito’y may mas dakila pa kay Solomon.
No comments:
Post a Comment