1 Nang
araw ding iyon, umalis sa bahay si Jesus at naupo sa may dalampasigan.
2 Ngunit maraming tao ang nagtipon sa paligid niya kaya sumakay siya at
naupo sa bangka samantalang nakatayo naman sa pampang ang mga tao. 3 At
marami siyang ipinahayag sa kanila sa tulong ng mga talinhaga.
At sinabi ni Jesus: “Lumabas na ang maghahasik para maghasik. 4 Sa kanyang paghahasik, may ilang butong nahulog sa tabi ng daan. Dumating ang mga ibon at kinain ang mga iyon. 5 Nahulog naman ang ibang buto sa batuhan at mababaw ang lupa roon. Madaling tumubo ang mga buto dahil hindi malalim ang lupa. 6 Ngunit pagsikat ng araw, nasunog ito sa init at sapagkat walang ugat, natuyo ito. 7 Nahulog ang iba pang buto sa mga tinikan.
At nang lumago
ang mga tinik, sinikil ng mga ito ang halaman. 8 Nahulog naman ang iba sa
matabang lupa at namunga: nagbunga ng sandaan ang iba, animnapu naman ang sa
iba, at tatlumpu ang iba pa. 9 Makinig ang may tainga!”
No comments:
Post a Comment