Monday, July 12, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Martes Hulyo 13, Ika-15 na Linggo ng Taon: Mateo 11:20-24


Mabuting Balita: Mateo 11:20-24
20 Sinimulang tuligsain ni Jesus ang mga bayang ginawan niya ng kara­mihan sa kanyang mga himala, sapagkat hindi sila nagpanibagong-buhay: 21 “Sawimpalad kayong mga bayan ng Corozain at Betsaida! Kung sa Tiro at Sidon nang­yari ang mga himalang naganap sa piling ninyo, matagal na sana silang nagsisi nang may abo at sako.  

22 Kaya sinasabi ko sa inyo: Mas magiging magaan pa ang sasapitin ng Tiro at Sidon sa araw ng paghuhukom kaysa inyo. 23 At ikaw naman, Caper­naum, itataas ka ba sa langit? Hindi, ita­tapon ka sa kaharian ng mga patay! Sapagkat kung sa Sodom nang­yari ang mga himalang naganap sa iyo, nana­na­tili pa sana ngayon ang Sodom. 24 Kaya sinasabi ko sa inyo: mas magi­ging ma­gaan pa ang sasapitin ng lupain ng Sodom sa araw ng paghuhukom kaysa inyo.”

No comments: